Good Morning!

Dapat talaga series of tweets lang ‘to, pero ang haba, e. Kapag gano’n na, mas gusto ko na lang mag-blog. Kahit kaunti lang nakakabasa (since mas maraming audience ang threads). Pero sayang ideas na natitigil sa character limit. Anyway . . .

Good morning from my 29-year-old no-makeup, no-filter face! Wrinkles appearing, pores not showing signs of hope. Hahaha, char! Pero grabe kasi isang buwan na lang at 30 na ako, pero itong katawan ko e gusto pa maging 22 (sayaw-sayaw ka pa no’ng New Year, pero paggising sakit na ng balakang ko haha).

Naalala ko lang dati noong bata. Pag line of three na ang age, ang pag-iisip ko, “Hala, ang tanda na niya. Ayaw pa niya magka-baby?” Since 30 noong pinakasal si Mama at sabi ko sa sarili ko dati, mas okay kapag small lang ang generation gap ng parent sa child para parang may tropa pa rin. I aspire that kind of relationship with my parents before; authoritarian kasi parenting nila.

Look how the turn became tables charot hahaha.

Ayoko pa, ayoko pa, ayoko pa. Actually, ayoko. Haha! Madalas ko lang ngitian ‘yong mga taong nagtatanong na kailan ikakasal, kailan magkakaanak. Okay, dito ko na sasabihin in Tagalog: ayoko. Huwag ninyo ako pilitin. It might change in the future, pero ngayon, ayoko. Sa dami ng gastusin? Sinong gusto manganak na si Duterte pa pangulo? Half-charot. Pero I mean, ako nga, hirap na hirap na ako, paano pa kaya magiging anak ko? Napaisip din ako why would I want a child in the first place? Naalala ko lang na lagi akong napapatanong, as early as grade 2, bakit kailangan mabuhay kung madededs din, bakit kailangan mabuhay kung mararanasan kong masaktan, bakit wala akong choice bago ako ipanganak (duh) tapos pagkabuhay ka na, didiktahan ka lang naman ng society kung ano ka dapat.

Parang ayoko maramdaman ‘yon ng kahit sinong tao.

Anyway. Dahil lang sa selfie napa-ponder ako sa buhay. Haha! But these thoughts aside, first time ko yatang maglabas ng no-makeup, no-filter face in decades? Lagi kasi akong naka-makeup sa pictures. Kapag bare face, may filter. Pangit na pangit kasi ako sa sarili ko noon . . . at gusto kong sabihin na hanggang ngayon pa rin pero gusto ko rin ‘to i-unlearn. Inggit na inggit ako sa mga mapuputi, sa sobrang parang puwet ng baby ang balat, sa mga lagpas 5 feet ang height tapos mahaba legs. Pero ngayon, bahala kayo diyan, wala na akong paki. Ang ganda ng ngiti ko rito, e. Tipong akala mo I’ve figured out my life hahaha (pero sobrang layo ko pa ro’n, natuwa lang ako sa sarili ko kasi first time ko yatang natuwa sa no-makeup face ko).

Also, salamat sa mga morenang artista kaya mas na-appreciate ko ang morenang balat ko. Ito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng good representation in media. (Wow, new topic ka agad, self?)

Okay, 9:20 na pala. May deadline ka, huy. Blog talaga inuna pagkagising, ano? Hirap pag nagandahan sa sariling selfie tapos hinaluan ng existential thoughts, e, ano? Hahaha.

Ayun lang. Good morning. Sana maging masaya ka ngayong araw!

 

4 thoughts on “Good Morning!

  1. Hindi mo man ramdam ate or lignin sa kaalaman mo, hindi man sorbing dami pero may mga taong naniniwala say’s kahit uncertain ka sa buhay at bagay-bagay. Ganoon kasi talaga ang buhay halos karamihan sa afin haha walaaaa lang. I hope you’re fine as days passes by. SANA LAGI KA PO GANYAN NGUMITI. Miss you haha

    Like

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.