Mga Ganap This October and November

So far, pinakamasaya ko ngayong taon ang end ng October to the first week of November. Sana masaya rin kayo, at sana may winning moments kayo ngayong linggo. So itong mga ‘to ang ganap (medyo nagmamadali na akong mag-blog kasi goal ko is by 2 p.m., I am already working. Wohoo, new sched! Lezdothis.)

I dressed up as Beanie last Halloween.

Dapat talaga Angela floral fairy pero hindi umabot. Sad. Buti na lang I remembered that my brother has a skull beanie in his closet (and I still have my green wigs). Ayun. Siyempre, papansin talaga ako kay Hunghang Flashbacks haha kasi super fave ko talaga ng comics niya.

I am writing.

I’m currently writing Laro Tayo, it’s a themed fluff novelette, as short as Pares and Crosswalk. I’m excited to share this with you, pero ayokong magmadali. My goal is to write a chapter a day, though natigil ako because of birthdays and occasions. I just have to organize my schedule dahil bago na ng body clock.

I also hope you could read my latest finished novelette Over Again and my latest one shot After Pink Skies Comes the Rain. Ang mga ito rin ang dahilan why I decided to pursue with something fluff naman dahil medyo mabigat ang mga ‘yan, both signifying an end to a long-term relationship. Relate lang ako.

I now work at Wattpad!

I’m so grateful for this opportunity, and I thank people who thought that I am fit for the role. Ito rin ang dahilan ng matinding pagbabago sa body clock at, sa totoo lang, nag-a-adjust pa rin ako. Hindi ako sanay since morning person ako, but in due time, makakaya ko rin ‘to. As of now, I’m still getting used to the apps and reading the important docs. Looking forward to the exciting things!

New passion project: Kape Tayo, Rizal

Matagal ko na talaga dapat ‘tong ginawa bilang (1) ang hilig ko sa kape, (2) ang hilig ko sa magagandang cafe, (3) ang hilig kong magtrabaho sa magagandang cafe, at (4) mahilig ako magsulat at magblog tungkol sa experience ko sa mga kinakainan ko. So I hope you could support it by following this page on the following social media accounts:

Instagram: instagram.com/kapetayorizal

Facebook: https://www.facebook.com/kapetayorizal

Tiktok: https://www.tiktok.com/@kapetayorizal

At yes, super solo na lang ako. Haha. Before kasi I had company. Now, my little brother has his own priorities (pamumundok talaga ang trip niya). So itong mga ‘to, tripod gaming tayo. I bought a super small tripod na puwede kong dalhin anywhere para di naman ako mukhang ewan na nag-aayos ng malaking tripod like what I usually do (medyo nakakahiya iyon, to be honest, kaya kaunti lang ang pics ko kapag gano’n; at least with a small tripod, puwede kahit mga 10 shots hehe).

I am almost finished with my dream room!

Ayoko munang mag-picture kahit tempt na tempt ako, pero a lot of my money I worked for went to decorating my room. After this, uninstall Shopee na. Haha! But honestly, I really don’t mind spending the money since I have long planned for this. May naka-allot naman for other expenses, so I am still financially stable (me thinks). So para sa mga gusto ring mag-decorate ng room, plan accordingly. Sa ngayon kasi, I am privileged and I have the resources to finally finish my dream room. Note that this project started 2019 pa. Pero ngayon, finally, ito na! Goal ko is by February, lahat ng gamit na pinangarap ko for my room have been bought. Hehe.

Kulang na lang talaga sarili kong banyo at kitchen. Haha! But I guess, that will be another goal of mine. Ipon, ipon.

🍑

Iniisip ko kung may iba pa akong ganap, but for now, this is all I can remember. Sana magtuloy-tuloy ‘tong happiness and contentment na nararamdaman ko, and I hope you get to win your days as well. :)

One thought on “Mga Ganap This October and November

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.