Worries, Worries, Worries

Di ko alam kung ba’t ako nagtititingin ng MA courses ng 2:00 a.m. Kailangan ko itong tigil-tigilan. Di ko alam kasi hati ako. I want to pursue educational management pero gusto ko rin ng creative writing. Alam mo iyong feeling na . . . alam mo sa sarili mo na matalino ka, na may potential ka pero . . . takot ka kasi baka ilusyonada ka lang pala? Hahahaha.

Di ko lang naman matuloy dahil natatakot ako mag-risk. You know how I graduated with a bachelor’s degree in secondary education, major in math, but look where I am now. An editor. A story coach. Ang nakuha ko lang ay trauma from that Math 55 class, which ended my dreams of making my parents proud. Chz. I mean, really. Because of that Math 55 class na imbes na ipagsagot kami e nilunod kami sa PowerPoint presentations tapos binabasa lang ng instructor ang nakasulat. Or baka bobo lang talaga ako.

But I still love math kahit gano’n ang nangyari sa akin. Elementary and secondary math, to be exact. I love algebra. I love geometry. I love trigonometry. I love the headache and challenge of finding solutions to get to the same answer. I love teaching these subjects. No, not you, calculus. Huwag ka na rin, probability. Di ko kayo forte. Hahahaha. Kayang aralin but if given the option, nope. Hehe.

Kaya kapag nagre-review ako ng mga mathematical learning resources, grabe ang adrenaline rush. I can compare solving algebraic problems to finally closing a story. Isa pa, closely working with people in the academic field until now made me realize that I still love teaching. But there’s no money in teaching, not if you have the perseverance to climb the academia ladder, take masteral units, attend and pay for these seminars . . .

And I have bills to pay. My family isn’t rich.

O siguro puno lang talaga ako ng worries. Ako talaga kalaban ng sarili ko noon pa.

Minsan napapatanong ako . . . kung nag-apply ba ako sa mga high-paying schools right after I graduated and nag-stick na lang ako sa academia pathway ko . . . masaya kaya ako?

Pero nangyari na. Masaya ako sa pagsusulat, sa pag-e-edit; ang downside lang talaga ay may worries tapos walang stability at assurance. It’s like . . . extremely happy when I am involved in a project, tapos kapag patapos na, ang dami ko na namang iniisip.

So heto na naman ako. Torn pa rin ako. Which field do I want to pursue?

Kung pure passion, it will be creative writing. Don’t get me wrong . . . I love to talk about education but not as passionate when I talk about writing. I saw the courses. Oh my gosh, I would love to study again. Hindi ako magaling sa conversational English, but I do know the rules . . . kaya siguro I am good at editing (hopefully hehe). Siguro nga kasi ganoon ako trained as a math person, gets? I can get to the answer as long as I know the mathematical operations. Getting this logic, I can write a clean sentence because I am familiar with styles. Pero ngayon pa lang, tinatakot ko na sarili ko. Pa’no kung ako lang ang nando’n na hindi magaling at gusto lang matuto tapos buong araw nosebleed lang ako? Hindi ko ma-enjoy hangga’t puno ako ng insecurity. Paano ba ako magiging confident?

O, di ba? Ako talaga ang kalaban ko.

Hirap talaga i-unlearn ng mga bagay-bagay. Kaya please lang, kung magkakaanak kayo, huwag ninyo ikumpara mga anak ninyo sa ibang bata o i-pressure nang husto. Ay, ewan. Hindi ko na rin alam ang perfect philosophy ng pagnu-nurture ng isang tao. Kaya nakakatakot magkaanak, e.

Layo na nang nirating ng usapan. Balik na ulit sa ginagawa. Dami kong iniisip lately. Hay.

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.