April to May Ganaps: Mangrove Boardwalk in Quezon, Stomach Issues, Complete Angela Skins and Floral Elf Cosplay, Yesterday’s MDA, and Mission Accomplished for Kape Tayo, Rizal

Dami ko lang gustong i-share na natambak kasi ang dami ganap during and after Holy Week. Pero nauna ‘yung isa kong post dahil nag-bottle up na talaga, as in hindi ko na kaya. Pero ito, kahit papaano, kaya ko pang tiisin.

Observing Holy Week in Quezon

Share ko lang that I included Quezon as the hometown of Ardi in Laro Tayo. Here in Quezon, I experienced a person borrowing a tric and really saw bahay-kubos in the middle of fields. Pero siyempre, may mga “bayan” kung tawagin. Doon sa mga bayan, maraming tindahan and bahay. Malakas pati ang internet. Compare ko lang sa may amin sa Ilocos, layo-layo ang mga bahay tapos hindi talaga mahagilap ang signal.

Last Holy Week, I was able to visit Mangrove Boardwalk. Hindi sa hindi ko gusto mag-beach sa Quezon; gusto ko. Pero this time, I just wanted to be in peace and appreciate nature. Libre ito. Walang ticket. Sobrang nice, and I really appreciate their local government’s efforts.

Actually, doon sa napuntahan ko, mas marami ang mga ilog. ‘Yung beach nina Ardi, malayo. Hehe.

Nakakatuwa kasi ang daming isda. May nakita akong black and white jellyfish! Ang ganda rin ng lugar. Sana ma-maintain ito kasi I’ve heard how mangroves are able to reduce the impact ng mga storms, lalo na’t ang lugar na iyon ay super lapit sa dagat.

Dreading My Stomach Issues

I just don’t know kailan ‘to nangyari, pero grabe. Parang quota na ‘tong 2022 na sa akin with regard to health issues. As in iyak. ‘Yung feeling na nanlalamig pawis and pinipiga ‘yung tiyan na parang gusto mo na lang madedz kaysa maramdaman ‘yung sakit.

Anyway, fiber is good, but too much fiber isn’t. I mean, lahat naman ng “too much.” At iyon ang nangyari sa akin. Sa sobrang gusto kong mag-detoxify because I was gaining weight because of stress and election anxiety, ayun.

I just hope that it won’t happen again. Mas malala ‘yung sakit ng sobrang gas kaysa sa acid, based on my experience.

Cosplaying Angela’s Skin for the Second Time

Gusto ko lang i-flex na nakumpleto ko skins ni Angela sa Mobile Legends. Huwag ninyo ako gayahin kasi feeling ko wrong decision ito. Hahaha. As in gumastos ako sa savings ko for this. I mean, siyempre masaya ako. Pero may times na iniisip ko na ang daming puwedeng mapuntahan ng perang iyon.

At dahil diyan, na-realize ko na ang hobbies talaga na ganito e pang-mayaman lang hahaha. Para sa mga tulad kong maraming responsibilidad sa buhay, mahirap talaga magpakasaya haha. Parang 50% masaya, 50% “gusto ko pang mas yumaman para hindi ako nagi-guilty maging masaya.” Gets?

Anyway, share ko lang na I have finally completed and cosplayed Angela’s floral elf skin! Yehey! ‘Yung una kasi, hindi ko trip ‘yung wig. Hindi masyadong kita ‘yung buns. Parang alam ko na-post ko na last time, pero check these:

As you can see, para akong si He-man na nagsuot ng costume ni Angela na, by the way, made by Acxajarai’s costume maker. Compare naman sa new wig ko made by FLOCCINAUCINIHILIPILIFICATION OMO. Sobrang laki ng difference, and I felt na mas maganda rin makeup ko sa sarili ko here. Hehehe.

Hehe. Would really love to wear this during cosplay pero ang hirap mag-commute. Buti sana kung may jowa akong may sasakyan na supportive sa pag-cosplay ko, kasi wala hahaha. Anyway, maybe next-time.

Attending Leni Robredo’s Miting de Avance

For the last time, nanindigan kami ng kapatid ko. Ako, ang tinuturing na black sheep sa pamilya, ang pinaka-vocal sa magkakapatid. Alam naman nila ‘yan. Kaya rin siguro favorite ko si Tricia Robredo haha. Mga middle child talaga, maraming emosyon.

Unlike sa Pasig, wala akong nakuhang pics dito. Ewan, sobrang daming tao! Parang na-overwhelm ako at grabe ‘yung pagod. Pero grabe the support of different groups and celebrities. Uhaw na uhaw na ako sa good governance. Sira ‘yung LED sa may Paseo Center, so naghanap na lang kami ng may signal para manood ng live. Quite weird ano kasi nga pumunta sana kami para makita live kahit through LED, pero sige na lang ako. Anyway, di ko talaga mapigilang umiyak when I saw her delivering her speech. She was a symbol of hope for me . . . hope na kaya pa nating i-uplift ang Pilipinas by electing officials na walang bahid ng corruption.

Please, universe, ibigay ninyo na sa amin ito.

Share ko lang din na 1:00 a.m. na ako nakauwi. Naghintay kami ng masasakyan until 12 a.m. pero wala talagang ma-book. Nag-decide kaming maglakad hanggang Taguig (hahaha, oo na lang ako kasi wala naman akong choice), pero buti na lang may nakita kaming FX.

Umuwi akong pagod . . . ngunit may dalang pag-asa. Sana, sana.

Completing the First Round of Cafes in Rizal for Kape Tayo, Rizal’s Content

Gusto ko lang sabihin na sobrang proud ko sa sarili ko dahil nakabisita ako ng kapihan sa bawat lugar sa Rizal. Bale, may 13 municipalities at 1 city sa province of Rizal. Parang ang weird kasi sabihin na “Kape Tayo, Rizal,” tapos puro Cainta, Taytay, at Antipolo lang ang nabibisita, di ba? Ito talaga ang goal ko. Yay! And I’m super happy! I actually doubted myself kasi, hala, paano ako pupunta sa places na never ko pa naabot through commuting? Sobrang dali sana kung may motor ako, kaso waley. Kaya thankful din ako sa cafes na napuntahan ko kasi most of them ay responsive. May iba rin sa kanila na nagbigay pa ng freebies.

Maraming salamat po!

Daming ganap this April to May! At dahil wala naman ng rallies and I don’t think kaya ko maging part of other activities, focus muna ako sa work, writing, and Kape Tayo, Rizal.

Ay, meron pala akong announcement sa May 21 kahit medyo alam na ng lahat. Hahahaha. Pero lez g. Sana maging successful.

Fighting tayo!

On “Respect My Opinion,” “Nasa Atin Pa Rin ang Gawa,” and Toxic Supporters

I posted this on my other Facebook account (Peach Xvision) and would just like to share here din hehe. Haba pala kasi. Hahaha! Puwedeng blog. Gulat ako, ang dami kong thoughts na naipon na naka-draft na nakumpleto lang today. Hindi na lang basta two cents, limang piso na ganern.

On “respect my opinion”

It’s no longer merely an opinion. It’s already a choice, a choice that will affect the whole country.

Sorry, I cannot understand your decision of voting for Marcos. I believe that respect is earned too. So hindi ko fully masabi na I respect your decision. More like . . . I acknowledge that you are voting for the other candidate, no matter how I think VP Leni is more capable of leading.

Ganito po kasi iyan. May mga prinsipyo kami tulad ng pagbabayad ng tax at ang pag-file sa tamang panahon nito, ang huwag magmanipula para lang mapaniwala na isa kang graduate ng Oxford kahit hindi naman pala, ang hindi na pag-uulit ng kasaysayan ng isang diktador, ang hindi pagsanib-puwersa sa mga taong may reputasyon na sa corruption. We don’t really see these values and principles in your candidate. And we really do not get why you will vote for him. Pero May 6 na kasi. Ilang tulog na lang at eleksiyon na. Alam namin, o at least ako, na maliit na ang chance na makakumbinse.

I understand this is a public space; of course, you are free to speak of your sentiments. Pero sabi ko nga, ‘yung mga opinion about interests ang kaya kong palagpasin. But when we ask “why are you voting for him,” it’s really a genuine question because we do not understand and we want to.

Is it because you are from Ilocos and you’ve seen how their family made Ilocos prosperous and you want the same for the Philippines? Then tell that to me.

Is it because of your religion? Tell that to me.

Is it just because napapaligiran ka ng toxic supporters of the other side at napipikon ka lang sa kanila so hindi mo na lang titingnan ‘yung plataporma ni VP so do’n ka na lang sa kanya? Then tell that to me as well kahit na parang ang sakit-sakit pakinggan n’on.

Is it because you’re okay to set aside his issues kasi mas nananaig ‘yung kagustuhan mo of an authoritarian leadership na mukhang pinapangako niya? Then tell that to me.

Siguro, siguro lang kasi hindi ko mailagay ang paa ko sa sapatos ninyo, you want the kind of leadership of the Marcoses—authoritarianism, or “enforcement of strict obedience at the expense of personal freedom”—during the times they ruled the country. And you don’t see this kind of leadership sa ibang mga kandidato. That you might dismiss ‘yung issues sa tax, ‘yung sa cases nila before, ‘yung about sa schooling niya . . . pero, kumbaga, nonnegotiable n’yo ito. Ito ‘yung gusto n’yong uri ng leadership. Na hindi n’yo rin maintindihan bakit hindi ‘to maintindihan ng ibang tao.

I can respect your opinion na mas gusto mo ang TWICE kaysa Red Velvet, o na mas gusto mo ang Spiderman ni Tobey Maguire kaysa kay Tom Holland—ayan, ayan ang mga opinion na oks lang. But your opinion that there are more superior lives (i.e., the statement “Tama lang na namatay ang drug adik kasi pumatay sila ng inosente” or “Kritiko sila ng gobyerno at mga salot sila kaya dapat naman talaga sila mamatay”), I cannot, but I will acknowledge that we have differences in philosophies . . . that yours is “a tooth for a tooth” and mine is an idea of a justice system employed with knowledgeable lawyers giving the rightful judgment to the criminal.

Sa mga INC contacts ko, I share the same sentiment that I will never understand the concept of bloc voting whereas no one will really see your ballot (and I think it’s a greater sin to your god if you vote for plunderers and allow the country to suffer longer). Pero paano ba . . . it’s not really respecting your decision, e. Kasi maaapektuhan ako as a taxpayer sa mga ganitong decision. 😞 It’s more of acknowledgment; acknowledgment na it is a practice in your religion. Same as how I will never understand how Catholics would wipe their handkerchiefs to statues and then keep them for blessing/luck. I don’t understand these traditions (so I can’t say I respect them), but I acknowledge that they are a part of your religion.

At dahil naulit-ulit ko na, ang point ko is . . . acknowledged, not respected. “Acknowledge” to me is more like “okay, ayan na, wala na akong magagawa.” But when I say “respect,” it means I admire your decision, pero hindi nga iyon ang case.

I hope that’s clear and more, uhm, not hurtful. Parang sa inyo ring voters of Marcos siguro. Hindi ninyo maintindihan kung bakit iboboto namin si Leni, but maybe you have acknowledged it already.

On “at the end of the day, nasa atin pa rin ang gawa”

Of course nasa atin ang gawa, but the decisions of our government affect our day-to-day living. Pagod na ako sa tolerance.

We are paying our taxes, and ideally, we MUST feel where these taxes are going to. Oo, nasa atin ang disiplina—tayo ang tatawid sa daan, tayo ang pipila, tayo pa rin ang tatanggap ng sahod at magpaplano kung saan gagastusin ang pera. Pero kahit anong sipag mo, kahit anong disiplina mo, kung walang pake ang gobyerno at sa corruption napupunta ang pera, the efforts are futile.

Sabihin nating 25,000 pesos ang sahod mo tapos may inflation rate, e di tataas ang mga bilihin. ‘Yung 25,000 pesos mo na pambayad ng renta + tubig + kuryente + pagkain at nakakapagrelax ka pa ng kaunti siguro, biglang magiging pambayad ng renta + tubig + kuryente + pagkain na tinipid at wala ng pang-relax. Single pa ‘yan, ha. Paano pa kaya ‘yung may mga anak? Kung dati kaya mong bigyan ng gatas araw-araw ‘yung anak mo, naging twice a week na lang (paano ang sustansiya na natatanggap ng anak mo?) O, sa mga nagpapaaral, dahil sapat na lang ang sinasahod mo sa necessities, iisipin mong patitigilin na sa pag-aaral ang anak mo. Pero kung ayaw mo n’on, anong iisipin mo? Siyempre maghanap ng ibang raket. Maghanap ng ibang trabaho para may pagkakitaan. Nakakapagod. Tapos malalaman mo na ‘yung binabayad mong tax e napupunta sa mga corrupt na opisyal. Ikaw na nagtatrabaho nang matiwasay . . . tapos sila ninanakaw lang ‘yung pinaghirapan mo.

Sa commuting. Ito, real situation. Taga-Cainta, Rizal, ako and ang work ko dati, sa Makati. During first days ko na wala pa akong WFH, gigising ako ng 4 a.m., aalis ng 5 a.m. para makarating sa opisina ng 6 a.m. (tapos doon na lang ako matutulog hanggang 8 a.m. or mag-uumpisa na ng work para makauwi nang maaga kasi nga traffic ulit pag-uwi). Kasi kapag umalis ako ng 5:30 a.m., saktong 8:00 a.m. na ako makakarating (traffic, walang masakyan). Minsan mas late pa. Ang layo ng agwat, di ba? ‘Yung mga desisyon ng government natin noon e nakakaapekto ngayon. Hindi ko alam kung reversible pa ba ‘to o tatanggapin na lang natin na ganito ang traffic system sa Pinas. Pero may hope ako na through good leaders, baka . . . baka lang kaya. Na sana, bumabalik din ang tax na kinakaltas sa akin through laws that think of us commuters. Kaso hindi, e.

I just want to feel the taxes that I am paying. And I want them to be handled by good and well-reputed leaders.

On toxic supporters

I’ve seen here destructive posts of different camps. Gusto ko lang sabihin na there are toxic supporters at ito ang mga hindi natin gustong i-tolerate.

For example, sa aming supporters of TRoPa, we see how BBM supporters ridicule her. Like 2016 pa. May nanalangin na sana ma-rape siya. Na sana mahulog din ‘yung eroplanong sinasakyan niya. She has been called lugaw and lutang. Her pictures have been edited everywhere—her face in a coffin, her face in trash cans, the faces of her daughters as sexy dancers, etc.—her videos spliced. They say na nandaya siya sa election, pero nagpa-recount si Marcos for how many times already, and he even chose the provinces—thus the joke “baka magbrownout.” Do you know how insulting that is, knowing that it was the same election that the president and senators who are seated now had won?

For BBM supporters, are these familiar? Of course. You’ve seen how his pictures were glued to coffins and trash cans as well, the pictures of his sons glued to different people. You’ve seen how spliced videos tarnished his reputation. You’ve heard how a lot wished for his death when he had COVID. And I can empathize how these must have insulted you . . . kasi ganyan din sa amin pero the other way around lang.

Ang point ko, when you fight sana for these issues, sana for all of humanity, hindi lang dahil apektado ang kandidato mo. I mean, okay, minsan natatawa tayo sa ibang mga post, pero sana at the end of the day, alam nating mali ang mga ito at na sana ay nando’n pa rin tayo sa mas respectful na paraan ng paglatag ng arguments.

Ayun lang. Alas dos na grabe hahahaha. Kain muna tayo ng lunch (or baka ako na lang pala haha), pahinga at detoxify para hindi ma-drain sa election anxiety, at ipanalangin na tunay ngang may malasakit lahat ng kandidatong tumatakbo. 🍑

Events That Made Me Happy This Week: PasigLaban Experience and Red Velvet Comeback

Excited akong sabihin kung ano-ano ang mga bagay na nakapagpasaya sa akin ngayong linggo. Actually, medyo may hangover ako sa mga pangyayari.

PasigLaban Experience

Hindi ako makapaniwala that I was part of that. Para lang maipagsigawan that I am supporting a person whom I find genuine in serving the people.

This is why I find it weird na may pupunta roon para sabihing “hindi masaya ang rally.” Of course, para sa kanya na supporter ng kabila, he will really find it “not fun.” Nakita ba niya talaga ang purpose niya sa buhay para manira ng iba? Anyway. Bahala na ang universe sa kanya. To me, kahit nangalay ako at mga two hours na nakataas ang paa ko pagkauwi ko sa bahay dahil sa sakit, it was an experience for me. I wasn’t there for Autotelic, even though I am a fan. I wasn’t there for Ben & Ben, even though they are one of the most famous bands of this generation. Their performances are a bonus. I was there to stand by my ground and make a statement: I support Leni Robredo to be the next president of the Philippines.

So ang dami kong eme. Teka lang. Haha. Kuwento ko na muna.

Before mag-announce na magkakaroon sa Rizal, decided na kami ng kapatid ko um-attend. Akala ko kasi wala sa Rizal, at since nagtrabaho ako sa Pasig, doon ko na lang binalak na pumunta (note ko lang na since meron sa Rizal, pupunta rin ako). Bale, 7:00 p.m. pa raw lalabas si VP Leni, pero sabi ko, kung gusto natin maabot kahit man lang ang screen, kailangan medyo maaga kami ro’n.

Sabi ko mag-lunch na kami sa Jollibee kasi baka wala na kaming makakainan, pero fine, gusto ng bunso sa Megamall para isang lakaran na lang.

Sumakay kami sa may PUV, at grabe—jeeps, PUVs . . . ang daming nakasuot ng pink. Medyo mapalad kami kasi nasa may Antipolo-Cainta kami kaya maluwag pa ang mga dumadaang PUVs. Halos mag-agawan na ng puwest sa Junction at Rosario.

Sobrang traffic na, bumaba na kami sa may Caltex. Good decision ito kasi nakita ko ‘yung ginawang effigy ng nakatindig na kamao ni Tarantandong Kalbo. Ang plano ko, mag-selfie lang kami doon ng kapatid ko saka na kami maghanap ng kakainan, pero magic! Nakita namin si Sir Neri Colmenares! Gusto kong magpa-picture, pero nanginginig na ‘yung kapatid ko sa gutom, and as ate, sabi ko, picture lang kami and then hanap na.

Sobrang daming tao at alam ko na kapag naghanap pa kami ng kakainan, wala na kaming mapupuwestuhan. Bumili na lang kami ng mga pampalubag ng gutom sa Mercury Drug. Ayun, napawi naman. At dahil alam kong sobrang tao, dito na lang ako nagpa-picture gamit Fuji ko sa kapatid ko. The rest are phone camera pictures.

So naghanap na kami ng puwesto. Go with the flow na lang kami until medyo nanlamig na ang pawis ko kasi biglang nag-sink in sa akin na may tao sa harap, kanan, kaliwa, at likod ko. Ang dami kong naisip na masasamang mangyayari, kaya sabi ko parang hindi ko na kaya mag-move forward. Umatras na lang kami at naghanap ng mas maluwag-luwag na lugar. Pinili ko ‘yung may mga tent kasi alam kong mga medic iyon. Para kapag may naramdaman akong hindi maganda, medyo malapit lang (sa kabutihang palad, wala namang nangyari sa ‘kin bukod doon sa muntikan na ako ma-overwhelm at nanlamig pawis ko sa may masikip na part).

Sa totoo lang, doon sa part namin, nahahagilap ng kapatid ko ‘yung screen. Pero dahil maliit ako, nakitsismis na lang ako sa kanya kung ano na ang nangyayari. Hahaha. Nakaupo lang ako, medyo natutulog na. Ang dami pa ring gustong pumasok, pero di na talaga kaya. Okay lang kasi nakita ko naman si Bayaw hahaha.

Ang tagal naming nakaupo. Tawang-tawa ako do’n sa isang meme ng PasigLaban kasi sobrang accurate. Nando’n kami sa “Yehey! May drone!” crowd. Hahaha. Kada may dadaan kasing drone, magsisigawan kami. Medyo malapit kami do’n sa may banda na parang may ibang program haha. Sobrang benta lang. At nakapag-picture ako ng mga favorite kong placards. Ang benta nila, please. Nakita ko ring nakapaglakad na ‘yung kamao effigy. Sobrang lupit.

Maraming hugot for Leni! Hahaha!

Sobrang ngalay na ng paa ko at tiniis ko na lang ‘yung wiwi ko, partida, mga dalawang sip lang ako ng tubig (kaya ayoko ring nagtutubig kasi alam ko kung gaano kahina ang pantog ko). Pero grabe, no’ng nagsalita na ang senatorial slate ni VP Leni (plus si Sir Neri Colmenares no’ng hapon), worth it na. Not only their credentials but also their platform speaks that they want to serve. Na-teary-eyed ako sa I shouted with the crowd “Hustisya!” when Sen. Leila De Lima’s speech played.

And of course, when I heard VP Leni’s voice, hindi ko man siya nakita, in the words of my brother, “Masaya na ako.” Para sa kanya kaya kami pumunta, hindi para sa mga banda. She was telling how our attendance showed her hope. She was telling that we can win the elections, manindigan lang kami, magtiwala lang kami.

If she loses, sa totoo lang, hindi niya kawalan. She can go back to being a lawyer. She will still have a job to return to. She can serve people in Naga, her hometown. Pero kapag natalo siya, ramdam ko na kawalan natin. She has proven her track record, that she is a real public servant. No matter how many rocks were thrown at her by the DDS cult, the trolls, and those who fancy other candidates, she stood by her ground. That’s a real female lead for me. Huwag na natin pakawalan itong once-in-a-lifetime chance na ito.

My vote is for Leni Robredo and Kiko Pangilinan. Nagawa ko na rin full list ko ng senatoriables: Neri Colmenares, Elmer Labog, Chel Diokno, Risa Hontiveros, Carmen Zubiaga, Luke Espiritu, Leila De Lima, Teddy Baguilat, Sonny Matula, Alex Lacson, David D’Angelo, and Sonny Trillanes. I feel that these people will be able to work harmoniously with the executive branch and truly change the game for the Philippines.

Sa huli naman, lahat tayo, malaki ang pangarap para sa Pilipinas.

Red Velvet Comeback: Feel My Rhythm

Ang layo ng topic pero isisingit ko ‘to because why not coconut.

Bumili pa talaga ako ng red velvet crinkles to celebrate their comeback. Hahaha. I found out that they’ll be making several comebacks this year. Ang gusto ko lang sabihin . . . thank you, Red Velvet! Kahit papaano, alam kong makaka-survive ako this year. (The rest lies kung manalo si VP Leni sa election. Aaaaah!)

Napanood n’yo na ba ang music video ng Feel My Rhythm? Grabeng pasabog ng visuals, feeling ko magsusuka ako ng unicorn at glitters. Ang gaganda nila hay’p!

Also, sabi nga, “In my dreams, you love me back.” Here are my favorite screenshots of Irene from the Feel My Rhythm music video.

Ayun lang. Sana masaya rin ang linggo ninyo!