Last-Minute Reflection This 2021: My Highs and Lows

I’m meeting 2022 with a fever, but this won’t stop me from blogging. Every year naman, maraming ganap. This year, not much. Definitely not my favorite year, but I don’t hate it either.

The Highs

Pinaka-high ko talaga this year ang makapagtrabaho sa Wattpad. Thanks to Rayne and Nayin for recommending me. At first I was really hesitant. Feeling ko hindi ko kaya. Pero I’m always like that, e. Lagi ko na lang pinalalampas ang opportunity. So no, not this time.

Then high ko rin ang makabalik sa momentum sa pagsusulat. This year, I finished Over Again, wrote three short stories, and started a prose compilation and one novella entitled Laro Tayo. Alam ko it’s not much, pero for me na naging busy, it was what I can accomplish. Salamat sa 358K follows!

Nakapagumpisa ako ng passion project ko this year: Kape Tayo, Rizal on Facebook, Instagram, and Tiktok. Since ang hilig ko din namang magkape at magpunta sa mga magagandang lugar, why not, di ba? Natutuwa lang ako na makapunta sa iba’t ibang kapehan. For sure, I’ll continue this project hanggang sa ma-cover ko lahat ng cafes.

The Lows

From March to July, puro lang ako trabaho and walang dumadating na pera. I thought kaya ng savings ko, pero I thought ko lang pala talaga iyon. So pagdating ng money, I spoiled myself and others to death. I fixed my room, bought yummy foods, spent my money to give and give and give . . . and ayun, I exhausted my account. I’m really not the best when it comes to financial matters, but this can’t be my reason all the time. I’m already 30, and when I think about this, I become anxious of my future.

I only started this around September when I got my professional fee. Maliit lang ‘yung bills here kasi I pay my share at the start of the year. Food here ay ‘yung takeouts from Food Panda and Grab, and Gifts here include giveaways, charity work, and mga palibre to friends and family. Sadly, in three months, I’ve spent a six-digit amount. Imagine kung whole year. Hayst.

Nagkaroon din ako ng malalang depressive episode this year. Again, I’m not the type who seeks help from friends (but I really appreciated those who reached out). Ginawa kong coping mechanism ang pag-draw. Check my IG stories na “coping mechanism” ang label, pero may content warning na agad.

I also gained weight, from 50 to 53. Low to for me kasi I’m maintaining at mabilis talaga ako mag-gain. Sa stress din siguro. Nag-start ‘to noong parang naging laging pagod ang feeling ko, around December. Ini-insist ko pa rin kasi ang routine ko kahit gusto ng katawan kong magpahinga. In return, kinain ko nang kinain. Sana makabalik ako sa 50 ulit before it gets worse.

Next Steps

  • Save more. Ito talaga. Since tapos ko na rin naman na ang kuwarto ko (next blog na lang), I don’t need to splurge on anything naman na. Titigil-tigilan ko rin muna ang puro libre. Marupok kasi ako when it comes to that. Partida, from September lang ang account ko. What more if I start fresh next year? Nakakatakot. Gusto ko i-try ‘yung 50-30-20. I hope it will work kasi naging pabaya ako sa 80-20. Titigilan ko na ‘tong “I deserve this.” Masasabi ko na lang na deserve ko kung natupad ko na adulthood goals ko siguro.
  • Go back to a healthy lifestyle. I’ll start exercising again. Natigil na naman kasi ulit. And healthier foods.
  • Read, watch, draw. Goal ko next year ang makabasa ng mas maraming libro at makapanood ng mas maraming films. Last year kasi, puro nga ako trabaho until the end, unlike the previous years. Movie-goer pa man din ako, but given this pandemic, I don’t think I can watch in the theaters anytime soon. Wala rin akong nabasa this year na hindi part ng work ko. Draw . . . yeah. I just want to hone my skills pa. Plan ko like every week, iba. Watch a movie sa first week, read a book sa second week . . . something like that.
  • Sa work, gusto ko pa mas maging dedicated. Ewan, I felt na lacking pa rin ako in this aspect. Or as a workaholic, gusto ko lang lagi akong may inaasikaso while reaching for a goal. Siguro dapat isama ko rin ‘to sa resolution ko—na uso magpahinga at na hindi kailangan i-unnecessarily exhaust ang sarili.
  • Writing-wise, ang goals ko e set per story. This year, gusto ko lang matapos ang Laro Tayo and start my wlw novels (yes, plural) na. Magiging break ko ang short stories in between.

Ayun. That ends my reflection. I hope you all had a fruitful year. Sana, ngayong 2022 din. Let’s stop making excuses for ourselves, kesyo hindi natin kaya, kesyo ganito tayo pinalaki. We grow, we learn. Let’s shift our mindset. Patama ko talaga ‘to sa sarili ko every year. Hahaha.

Thank you for being a part of my 2021. 🍑

First Time to Join a Caravan!

Ang laki-laki ng Rizal! Haha. May mga moments na nakatulog na ako dahil umuulan noon at traffic. Pero sobrang fun ng caravan especially sa Taytay, Cardona, at Morong! Ang daming kakampinks doon! Wala akong video kasi na-shy ako sa Leonardo fam. Haha. Pero na-Facebook stories ko naman.May mga nanghihingi, actually. Sana nanghihingi lang ng merch . . . kasi kung iba, ang sad. Isa pang learning experience ‘yon: dapat kung kasama ka sa caravan, be prepared na may merch kang puwedeng iabot. Posters, stickers, face mask, shirts, brochures . . . that will help sa pag-inform sa mga tao tungkol kay VP Leni.

Ang cute lalo ng mga mag-isa lang tapos may hawak na posters. Nakaka-touch!

Salamat po sa pag-ampon sa akin, Leonardo fam!

Anyway, share ko lang na first time ko mag-join sa mga ganito. Bale, uulitin ko lang ‘yung caption ko sa Instagram kasi nandoon na ang gusto kong sabihin (na may dagdag).

Maraming ayaw mag-campaign kasi sabi nila, “pare-pareho lang naman ang mga kandidato,” I understand how some are now afraid to voice out after their candidate years ago failed to keep his promises. Kumbaga sa relationship, kinumbinsi mo ang mga kamag-anak mo na magiging mabuti siyang asawa kasi may mga proof naman, pero nang mag-asawa na kayo, abusive pala.

Pero gusto ko lang din sabihin kung bakit very active kong kinakampanya si Leni. One, nakita ko kasi grit niya. Habang busy ang kampo ni R. Duterte na siraan si Leni, habang busy magpa-recount si B. Marcos kasi nandaya raw (whereas ito ang eleksiyon na nagpanalo kay Duterte . . . so sasabihin din ba niyang nadaya ang votes for president?), naging busy ang opisina niya sa pagtulong. May mga kakilala ako na naging part ng OVP, at grabe raw sa hands-on si VP. Partner sa ganito, partner sa ganyan. No wonder na gustong-gusto ng foreign reps na siya ang puntahan (except ‘yung mga may masasamang balak sa teritoryo ng Pilipinas).

Bukod doon sa high ratings niya sa COA, bilib din ako sa kung gaano kasimple ng pamumuhay niya. At hindi ‘yon na-cover ng media, not until this period. Ito kasing si R. Duterte, ‘yung mga pakandila sa kanin . . . a, ewan. Amazed din ako kung gaano ka-organize ng groceries nila. I can really see my mom in her.

She was also not afraid to tell that she failed the bar. She used this experience to inspire other people. Hindi katulad ni B. Marcos na may mga proof na talagang sinabi niyang graduate siya. Ewan kung bakit nalilinlang mga tao sa kanya. Dahil sa ginawa ng tatay niya? E, tatay niya ‘yon. Tatay niya ang matalino, hindi siya. Nakakaloka.

Speaking of, oo, matalino naman talaga si F. Marcos. Oo, sabihin nating “maunlad” noong panahon niya. Pero hindi niya naisip ang mga puwedeng mangyari dahil sa mga ginawa niya: utang dito, utang doon. Tapos ano . . . pababayaan niya na bayaran ng ilang generation mga utang na ginawa ng admin niya pero take all the credit? Ang selfish kasi.

But anyway, “E, ate, paano kung maging asshole din si Leni?” E di, punahin! There is nothing wrong with that. Nasa kanya ang boto ko at actively ko siyang kinakampanya dahil parehas kami ng paniniwala ngayon at naniniwala ako sa mga kakayahan niya noon at ngayon. Kung biglang magbago ‘yon at hindi ko makita na tinutupad niya ang pinangako niyang plataporma . . . what’s wrong with criticizing her? She’ll listen, maybe, based on what we experienced. (Also, her office is full of millennials kaya ganyan sila ka-responsive.) Pero kung hindi, sabi ko nga, punahin. Isa akong mamamayang Filipino na deserve ng isang respectful, responsible, and accountable leader; hindi parte ng isang kulto.

Messed-Up Scheds, Shopee Budols, Taylor Swift, Trabi Cafe, and the Clowns of Philippine Politics

Busy yarn?

Ang daming topic for this blog kahit wala naman talagang nangyari. Haha! Ang dami ko lang gustong sabihin. Nasa bahay lang naman ako most of the time, pero nagkandasira-sira ang body clock ko dahil nga sa bagong work. Hanggang ngayon, adjustment period pa rin ako, at ang hirap kasi ayoko na bumalik sa insomnia era ko dahil mas malala ang anxiety attacks ko.

This blog was written on November 11, 2021. Naka-schedule kasi tina-try ko ang katotohanan na pangit daw mag-post on a Sunday. So naka-sched na. Oo na, mag-aayos na ako ng buhay. Huhu.

May final schedule na ako for myself!

Spontaneous ako when it comes to travel, as in kaladkarin akong tao, pero when it comes to work and things to do, scheduled talaga ako. It has been two weeks since unang pasok ko sa work, pero minsan napapatanong pa rin ako kung paano ko gagawin ang task ko. I’ve been looking for things to do, so nag-aral at nagbasa muna ako. Kailangan kalmado lang at ma-i-separate ang fangirling. Tipong deep inside, gusto ko na i-tweet ‘yung author, manghingi ng update, pero hindi. KAYA KO ‘TO. Must remain professional. Haha.

I’ve been waiting for the scheds of several people before I can fix my sched, and ayan na. Yehey. I’m so happy dahil mas makakapag-focus na ako. Last week kasi, ngapa-ngapa pa rin ako, wondering what should I do this time of day, so and so. I use Timetune for my scheds and Ticktick for my things to do. Gusto ko talagang i-share ‘yon sa vlog, but for now, I would like to focus on my work.

Platinum na ako sa Shopee. Shuta.

And this is not something to be proud of, ano po. In fact, gusto kong ipahiya sarili ko because I’m the queen of self-deprecation. Char. Siguro ganito talaga kapag napagkaitan ako for like half a year, as in I bought nothing for myself.

Kuwento ko lang kasi that I worked all summer for a rush project, and I thought the payment for this ay dadating naman after a month. But no. They made me wait. Buti nga’t may savings ako (e, hello, may insurance ako, may bills, at kailangan kong kumain), so puro palabas ang pera. Hay, I hate talking about money, but anyway, ayun. So when this money came a month ago, puro ako Shopee. Last blog, I talked about decorating my room, di ba? Ayun, all the things I bought was for my room (siguro mga five pieces apparel). Sabi ko okay lang because this is my room . . . hanggang sa nakita kong kaka-platinum ko lang.

Nakakaloka. Huwag n’yo ko gagayahin. At dahil diyan, wala na talagang “prince charming” ang makapagpapaalis sa ‘kin dito. Dito na ako sa kuwartong ‘to mamamatay. Cheka.

Taylor Alison “Pain” Swift!

Speak Now talaga ang pinakahihintay kong album kasi nandoon ang “Last Kiss” at “Haunted,” two of my favorite songs from Taylor. I mean, I think mas marami pa rin akong gusto sa Reputation at Red, pero ‘yung tumaga nang matagal sa puso ko e nasa Speak Now.

Hindi ako umiyak (muntikan na sa Come Back, Be Here, pero makikinig lang, walang balikan) sa 29 songs, at oo, pinakinggan ko sequentially. Pero grabe, pagdating sa All Too Well 10-minute version, nakaka . . . what the? My contacts on Facebook said it was overhyped but it wasn’t really likeable, so binabaan ko expectations ko. Pero kahit ganoon, kahit wala naman ‘yung galit at lungkot, naiyak pa rin ako. I guess it’s the comforting feeling that she has outgrown that anger and sadness . . . and masaya ako para sa aming dalawa.

Mahal na mahal na mahal kita, Taylor, kahit na high school mo pa lang ako inumpisahang saktan, at ikaw pa talaga ang nagsulat ng theme song sa mga unang taon ko sa high school.

Here’s my reaction vlog re: 10-minute All Too Well (Taylor’s version) music video. Grabe ‘yung flashbacks, pero kinaya ko naman. Mga katulad talaga naming artists na sinaktan, hindi nakakalimot . . . gawin ba namang imortal ‘yung tao through our works. I guess joke’s on us. Haha!

Stream Red (Taylor’s version) on Spotify and 10-Minute All Too Well on YouTube!

Cafe upgrade ang Trabi Cafe!

I visited Trabi Cafe last August 2019 (here’s my blog about it), pero grabe yung upgrade nila after the pandemic. Bigla ngang ang daming bumisita. Ang sarap maging productive kapag walang aso ng kapitbahay na tumatahol kapag nagtatrabaho ka. Hehehe.

Here are the new pictures:

Ganda, ano? Ang sarap pa ng cheesecake nila. Huhu. Titikim ako sa restaurant kapag may kasama na ako rito. Hehe.

Hindi mangmang ang mga Filipino.

Nakakainis. Para silang mga ewan. Although I kind of knew na tatakbo talaga si S. D. for a higher position, hindi ko akalain na ganito sila kagulo. Ano ba, para saan? At ano ba, wala bang sariling utak ‘tong si B. D. R.? Hinahayaan niyang diktahan siya ng partido niya, tapos kung makapagsabi ‘tong mga supporter nila na puppet si Leni. Nakakaloka?

‘Yung isa, akala ko ba pagod na siya? Wala talaga siyang isang salita, ano? Ewan, kung may family drama sila, send nila as script sa television networks. Baka gusto pa nilang isulat sa Wattpad, baka pumatok. For sure, maraming manggagalaiti kasi ang gulo-gulo nila.

Please lang. Mag-isip-isip tayo sa mga iboboto natin. Sad ako, Pinas. Send respectable and trustworthy government officials, please.