Unwell, Not Okay

Nagpaalam ako sa work. Sabi ko I’m not feeling well today, which is true. Bumangon na ako around six in the evening. I was just in my room the whole day, wondering kailan ‘to lilipas?

Umiyak na naman ako. I am, again, eaten by my own black holes.

Buti na lang I don’t like being much of a burden. I mean, wala pa akong St. Peter’s. So bumangon ako and ate and watch and took a bath like a normal person. Kailangan magtrabaho para may pang St. Peters, nasabi ko na lang sa sarili ko.

But before I worked, I translated my feelings into art. I liked it; that’s why I’m sharing it. Maybe I’ll do this. Para kahit papaano, may magustuhan naman ako sa sarili ko.

“Hirap Mo Tulungan”

Kahit alam kong pa-joke, in fairness, “hirap mo tulungan” and “fuck your feelings” lang pala ang kailangan ko para maiiyak ko yung hindi ko maiiyak buong buwan.

O siguro naghanap lang talaga ako ng rason para sumabog. Kasi pagod na ako. Pero ayoko naman magpahinga kasi kapag magpapahinga ako, tatahimik. At kapag tatahimik, hahabulin lang ako ng mga iniisip ko. Hihilahin lang ako papunta sa sulok na nagapangan ko na paalis.

O puwede ring masakit lang talaga masabihan na mahirap ako tulungan kasi totoo. Kasi ayokong matulungan. Kasi takot ako mahusgahan sa mga desisyon ko sa buhay.

Gusto ko lang naman makakita at mapaligiran ng mga masasayang tao para makalimutan kong malungkot nga pala ako.

Nakababaldadong Kalungkutan

Ayan na naman siya.

Nananahimik ako. Kanina masaya naman ako. Okay naman ako. Kuntento naman ako. Pero katahimikan ang biglang hihila sa ‘kin pababa.

May iba na sinasabing, “Baka hindi ‘to mag-work out.” Pero nagwo-work out.

Sa kaso ko, kahit anong perspective ko, kahit anong optimism, ang resulta, hindi nagwo-work out. Siguro once lang nangyari na masasabi kong “successful” ang isang bagay na naaayon sa standards ko? Minsan nakakawala ng pag-asa. Nahihila ako pababa. Pero ako rin lang naman ang maghihila sa sarili ko pataas. Wala namang iba.

Pinagdududahan ko na naman ang sarili ko.

Pero ewan. Ikakain ko na lang ‘to ng maanghang.

Kaya mo ‘yan. Kayanin mo as usual. Ibuntonghininga mo na lang tapos larga na. Iyak tapos ngiti. Di nila puwedeng makitang mahina ka kasi ayaw mong gano’n ka matandaan, di ba? Malapit ka na pala magtrenta. Akala ko ba, sabi mo, pag thirty, wala na? Pero ngayon, gusto mong kumapit? Labo mo.