Mga Ganap This October and November

So far, pinakamasaya ko ngayong taon ang end ng October to the first week of November. Sana masaya rin kayo, at sana may winning moments kayo ngayong linggo. So itong mga ‘to ang ganap (medyo nagmamadali na akong mag-blog kasi goal ko is by 2 p.m., I am already working. Wohoo, new sched! Lezdothis.)

I dressed up as Beanie last Halloween.

Dapat talaga Angela floral fairy pero hindi umabot. Sad. Buti na lang I remembered that my brother has a skull beanie in his closet (and I still have my green wigs). Ayun. Siyempre, papansin talaga ako kay Hunghang Flashbacks haha kasi super fave ko talaga ng comics niya.

I am writing.

I’m currently writing Laro Tayo, it’s a themed fluff novelette, as short as Pares and Crosswalk. I’m excited to share this with you, pero ayokong magmadali. My goal is to write a chapter a day, though natigil ako because of birthdays and occasions. I just have to organize my schedule dahil bago na ng body clock.

I also hope you could read my latest finished novelette Over Again and my latest one shot After Pink Skies Comes the Rain. Ang mga ito rin ang dahilan why I decided to pursue with something fluff naman dahil medyo mabigat ang mga ‘yan, both signifying an end to a long-term relationship. Relate lang ako.

I now work at Wattpad!

I’m so grateful for this opportunity, and I thank people who thought that I am fit for the role. Ito rin ang dahilan ng matinding pagbabago sa body clock at, sa totoo lang, nag-a-adjust pa rin ako. Hindi ako sanay since morning person ako, but in due time, makakaya ko rin ‘to. As of now, I’m still getting used to the apps and reading the important docs. Looking forward to the exciting things!

New passion project: Kape Tayo, Rizal

Matagal ko na talaga dapat ‘tong ginawa bilang (1) ang hilig ko sa kape, (2) ang hilig ko sa magagandang cafe, (3) ang hilig kong magtrabaho sa magagandang cafe, at (4) mahilig ako magsulat at magblog tungkol sa experience ko sa mga kinakainan ko. So I hope you could support it by following this page on the following social media accounts:

Instagram: instagram.com/kapetayorizal

Facebook: https://www.facebook.com/kapetayorizal

Tiktok: https://www.tiktok.com/@kapetayorizal

At yes, super solo na lang ako. Haha. Before kasi I had company. Now, my little brother has his own priorities (pamumundok talaga ang trip niya). So itong mga ‘to, tripod gaming tayo. I bought a super small tripod na puwede kong dalhin anywhere para di naman ako mukhang ewan na nag-aayos ng malaking tripod like what I usually do (medyo nakakahiya iyon, to be honest, kaya kaunti lang ang pics ko kapag gano’n; at least with a small tripod, puwede kahit mga 10 shots hehe).

I am almost finished with my dream room!

Ayoko munang mag-picture kahit tempt na tempt ako, pero a lot of my money I worked for went to decorating my room. After this, uninstall Shopee na. Haha! But honestly, I really don’t mind spending the money since I have long planned for this. May naka-allot naman for other expenses, so I am still financially stable (me thinks). So para sa mga gusto ring mag-decorate ng room, plan accordingly. Sa ngayon kasi, I am privileged and I have the resources to finally finish my dream room. Note that this project started 2019 pa. Pero ngayon, finally, ito na! Goal ko is by February, lahat ng gamit na pinangarap ko for my room have been bought. Hehe.

Kulang na lang talaga sarili kong banyo at kitchen. Haha! But I guess, that will be another goal of mine. Ipon, ipon.

🍑

Iniisip ko kung may iba pa akong ganap, but for now, this is all I can remember. Sana magtuloy-tuloy ‘tong happiness and contentment na nararamdaman ko, and I hope you get to win your days as well. :)

Your Friendly Al Fresco Cafe: One Line Cafe

When I was already decided to pursue on my passion project Kape Tayo, Rizal, my first agenda was to find the nearest coffee shop from my home. And voila, I found One Line Cafe, which was only a walk from our house. I learned about this through browsing our homeowners’ Facebook page and was surprised that this beautiful cafe existed inside our subdivision.

How to Go to One Line Cafe

From Valley Golf along Ortigas Extension Avenue, ride a Phase 3 shuttle service and ask them to drop you off at One Line Cafe. You may also opt to ride a tricycle, but they would only drop you off at the gate of Phase 3; from here, use Google Maps to walk toward your destination.

What to Expect at One Line Cafe

One Line Cafe is an outdoor coffee shop, filled with greens and browns. There are several instagrammable spots here, but my favorite was the one with a signage. I went here at 2:00 p.m., so there were only a few customers by then, allowing me to take pictures around. By 4:00 p.m., people slowly occupied the place.

Aside from the food, what I liked about this place was their staff. When one of them saw me taking pictures of myself using a tripod, she volunteered to capture my photos and even asked me to pose at different spots in the cafe. Such a kind-hearted staff!

What to Eat at One Line Cafe

I ordered their best-sellers: tapsilog (Php 120) and toffee hazelnut frappe (Php 150). Both were worth my money, especially the tapsilog. If only I had two stomachs, I would have ordered their aglio pasta.

Favorite Picture

Siraan Everywhere

So may sakit ako these past few days, at sabi ko I will be actively posting why VP Leni is my president pero di ko na nagawa. Minsan, napapabukas ako ng FB pero dahil sa memes na sinesend, not actually for the news.

Pero ang lungkot na ‘yung mga ibang kampong nagsabing “walang siraan,” “respect my decision,” etc., sila rin naman ang may caption ng “Leni inodoro,” “Leni lugaw,” “ina niyo, basta ampon ako,” at iba’t iba pang paninirang puri. Anyare sa sinabi ninyong “walang siraan?” Hindi ko man maintindihan kung bakit n’yo iboboto ang isang kandidato, karapatan n’yo ‘yon iboto . . . demokrasya, e. Pero siyempre, not without posting something like this para puwede pang pag-isipan.

Hindi rin naman shielded doon ang supporters ni VP Leni. Alam ko rin naman na may ibang nagpupush sa kanila na ‘wag na tumakbo si Ka Leody, Isko, and others, na hindi rin maganda ang tunog sa ‘kin.

Pero grabe, ano? O, ako lang ba ‘to? Parang lahat nakatuon sa kanya. May ibabalita tapos may mga blog na magko-compute na kesyo hindi totoo na 4,000 vehicles ang sumama. And I mean, if this computation were true, nada-drag nang nada-drag ang name niya.

Gusto ko siyang manalo. Bukod sa mga accomplishments niya, parang ang sarap na mag-“in your face” sa lahat ng kritisismo sa kanya pero hindi siya tumitigil sa pagtulong. Hindi ba iyon naman talaga ang gusto nating pangulo? ‘Yung nakikinig. ‘Yung kahit anong batikos, nakatuon sa trabaho. I mean, last I’ve heard, active ang team niya sa pagtulong sa mga nasalanta sa Ilocos. Personally, kapag ako ginanito, baka mag-mental breakdown na ako. Di ko ma-imagine ang pagtitiis ng mga anak niya t’wing sinisiraan ang kanilang ina, ano? They look so genuine, so concerned.

But to all fair, di ko rin gusto ang nanay narrative. Share ko lang. Ayoko ng tatay narrative kay Digong, e. Minsan, sa isang office setup, weird din ang “we are family here.” Haha, ewan. Kumbaga, may abused families kasi? May families that are still very authoritarian (and as an Aquarius, ayoko n’on, lol, Di ko alam kung may sense pa ‘yung sinasabi ko). I mean, gets? I want a transformative leader that will not only inspire their people but move them to move, kumbaga. Pero gets ko rin naman na metaphor ‘yon. Hahaha. Preference ko lang.

Haba ng sinabi ko. 10:00 a.m. pa lang, ghorl. Good morning.